Saturday , November 23 2024
Family Matters

Family Matters blessings dahil sa naibabahaging aral sa manonood

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TATATAK tiyak ang istorya at mapupulot na aral sa sinumang manonood ng Family Matters na handog ng Cineko at isa sa walong entries ng Metro Manila Film Festival 2022.

AngFamily Mattersang pelikulang hindi dapat palampasin, ‘ika nga eh a must watch movie dahil lahat ay makare-relate sa mga karakter na nagsisiganap tulad nina Francisco at Eleonor at ng mga anak na sina Kiko, Odette, Fortune, Nelson, Ellen, Irene, at Enrico. Sila ay tayo sa maraming aspeto.

Highly recommended ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Noel Trinidad, Liza Lorena, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, at JC Santos. Ihanda n’yo lang ang maraming tissue dahil kakailanganin ninyo ‘yan dahil tiyak maiiyak kayo sa maraming eksena.

Anyway, halos wala kang itatapon o itulak-kabigin sa kanila dahil lahat sila’y magagaling. Kahit ang baguhang si Ian Pangilinan ay nagpamalas din ng kakayahan sa acting.

Ito ang pelikulang dapat panoorin lalo na ng mga anak dahil maraming matututunan at may mensaheng akala natin ay alam na natin subalit hindi pa pala. 

 Istorya ng pamilyang nagpapapalit-palit sa pag-aaruga sa matatanda nang magulang. Mga magulang na ayaw magpaalaga dahil ayaw tanggaping kailangan na nilang may kaagapay sa pagtanda. Ito yung time na ang mga anak naman ang mag-aalaga sa magulang. Ito ‘yung pay forward kumbaga. Kung paano naipakita ito sa istorya iyon ang hahaplos at uukit sa ating mga puso. 

Kaya nga bato ka na lang kung hindi ka maiyak sa maraming tagpo sa pelikula. 

Samantala masaya si Nikki na nasa top 4 ang kanilang pelikula. 

Aniya, nagpapasalamat siya sa pagkkasama niya sa Family Matters lalo’t nang mabasa niya ang script at agad siyang naka-relate.

Pero malayo ang karakter ni Ellen sa kanyang totoong buhay, ani Nikki.

Ang similarity lang ay mag-isa na ngayon ang mommy ko so, nasa akin siya. Ako ang bumibili ng gamot niya at lahat nag-aasikaso. Kinailangan ko ring lumayo, tumira ako sa Canada noong first marriage ko. I stayed in Canada for two years and it was really hard for me to leave my parents and family. 

“Kasi 28 years of your life na all of a sudden mag-isa ka, kailangan mong pumili, may sarili ka nang buhay. ‘Yun ‘yung pinaka-nakare-relate ako.”

At ngayong nasa Top 4 ang Family Matters sinabi ni Nikki na masayang-masaya siya, sila, kapag nakaririnig sila o may nagme-message sa kanila na nagustuhan ang kanilang pelikula.

It only means na mission accomplished dahil naka-sell out kami ng magandang message at marami ang nai-inspire. 

“Ang daming nagsasabi na blessings ang movie because ang daming nai-impart na aral at saka ‘yung reflection. Mga common na comments na nare-receive namin. So, ‘yung ranking bonus na lang ‘yan. Maganda kung kumita ang pelikula because it only means na people supported and love the movies at talagang nagbayad sila para panoorin ang movie namin,” sabi pa ni Nikki.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …