MATABIL
ni John Fontanilla
NAUDLOT ang paglipad patungong Indonesia ni Teejay Marquez ngayong December para roon mag-celebrate ng Christmas at New Year.
Dahil nga sunod-sunod ang trabahong ginawa nito at kaliwa’t kanang imbitasyon para umatend sa iba’t ibang party ng mga kompanya ay mas pinili na lang nitong sa Pilipinas mag-celebrate ng Christmas at New Year at para makasama na rin niya ang kanyang minamahal na Lola.
Pero after New Year ay bali- Indonesia na ulit si Teejay para naman simulan ang mga nabinbing proyekto sa nasabing bansa nang mag-stay ito ng matagal sa Pilipinas dahil nagkasunod-sunod ang proyekto.
Wish nito ngayong Kapaskuhan ang patuloy na pagkakaroon ng magandang pangangatawan sampu ng kanyang pamilya, matagumpay na negosyo, at magkaroon ng maraming trabaho sa taong 2023.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com