DUMALO si Eagles National President Nelson Sarappudin at nagpahayag ng suporta ang East Manila Eagles Club sa pagbuhay ng mga kagubatan na patuloy na nasisira dahil sa ilegal na pamumutol ng mga puno at ilegal na pagmimina.
Ayon kay Reginald Michael Libatique, charter club president ng East Manila Eagles Club NCR 1, maglalatag sila ng mga proyekto sa darating na Enero gaya ng community service at fund raising para sa mga benepisaryo ng poster homes gaya ng mga batang iniwan ng kanilang mga magulang.
Bagamat may sapat na pondo, kailangan umanong magsagawa ng fund raising para sa kanilang proyekto sa second quarter ng susunod na taon tulad ng tree planting sa mga nakakalbong kagubatan.
Dagdag ni Libatique, makikipag-ugnayan sila sa local government units (LGUs) at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa susunod nilang proyekto upang sila’y matulungan kaugnay ng pag-adopt ng dalawang Philippine eagle.
Ang dalawang agila ay pakakawalan sa isang gubat sa Antipolo nang sa gayon ay masustina ang diversity at mapakain muna ang dalawang Philippine eagle bago pakawalan.
Rekesitos din umano sa Eagles club ang magsagawa ng tree planting kada taon, gaya ng isinasaad sa kanilang magna carta. (EJ DREW)