Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
1000 1k

Bebot kalaboso sa pekeng  P1,000 bill

KALABOSO ang isang pasaherong babae nang arestohin sa pagbabayad pekeng P1,000 bill sa taxi driver sa Taguig City, kamakalawa ng umaga.

Nakadetine sa Taguig City Police Station ang suspek na kinilalang si Elizabeth De Roxas, 40 anyos.

Batay sa reklamo ng taxi driver na si Jeffrey Andrino, 39 anyos, sumakay ang suspek sa kaniyang taxi sa Malibay St., Pasay City at nagpahatid sa Gate 3, Chino Roces Extension, Barangay Fort Bonifacio, sa Taguig.

Nagbigay ng P1,000 si Roxas nang bababa na at hinihingi ang sukling P850. ibinalik ni Andrino ang pera dahil naghinala siyang peke ito.

Nagtungo ang babae sa isang convenience store para magpapalit ngunit bigo siya kaya binalikan ng suspek ang driver at pilit na ibinabayad ang pera na nauwi sa pagtatalo.

Humingi ng tulong sa Taguig City Police Sub-Station 1 ang driver dahilan upang arestohin ang babae dahil sa umano’y pekeng pambayad.

     “Atin pong pinaaalalahanan ang ating mga kababayan na siyasating mabuti ang perang  tinatanggap para hindi mabiktima ng mga pekeng salapi. Tingnan natin ang security features ng  totoong pera, tulad ng security thread at watermark. Lalong-lalo na ngayong kapaskohan, marami na naman ang maglalabasang pekeng pera at masasamang loob na magsasamantala sa paggamit nito,” paalala ni Southern Police Distric (SPD) Director, P/BGen. Kirby John Kraft. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …