Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Papa Dudut

Papa Dudut nagbukas ng negosyo para makatulong at magkapagbigay-trabaho

MATABIL
ni John Fontanilla

AMINADO ang sikat at award winning  DJ ng Barangay LSFM at ngayo’y isang businessman na si Renzmark Jairuz Ricafrente aka Papa Dudut malaking tulong  ang kanyang kasikatan sa radio sa kanyang negosyo,

Ayon nga kay Papa Dudut nang makausap namin sa grand opening ng kanyang negosyo, ang The Brewed Buddies and The Wings Haven sa  2nd level Sky Garden ng  SM Cherry Antipolo, “Malaking bagay po ang maging isang Papa Dudut, dahil nagagawa kong mai-promote ‘yung negosyo ko sa programa ko, bukod pa sa mayroon na tayong followers ng programa kong Barangay Love Stories na willing ding sumuporta.

“Actually this is our fourth and fifth (The Brewed Buddies and The Wings Haven) business, we started talaga with small business, nagkaroon kami ng J25 Salon sa Novaliches.”

Kuwento naman ng betterhalf nitong si Jem Angeles-Ricafrente na kanya ring business partner sa pagtatayo ng beauty salon, “Mahilig talaga ako magpa-salon, very random lang talaga na na-check namin tapos nagustuhan namin within that day na close rin namin ‘yung deal.”

Dagdag pa nito sa giging hands on sa business, “Super! dapat 100% ‘yung ibibigay mo, not only with the job dapat pati sa business.”

Dagdag naman ni Papa Dudut, “Actually from personal business to  corp. na kami, so dahil corp. na kami, kami na ni Jem ang may-ari ng mga business na gagawin namin ngayon and in the future.

Next year sana magkakaroon kami ng drug store, ‘yun ang plano namin and another  branch ng The Brewed Buddies and The Wings Haven, kung kaya taon-taon tatrabahuhin natin ‘yan.”

Ibinahagi rin nito kung bakit love na love niyang maging isang Kapuso.

The reason why I love being Kapuso kasi sinusuportahan nila kami sa endevors namin, so kung gusto namin magnegosyo hinahayaan nila kami, binibigyan nila kami ng magandang oras at panahon na gawin pa namin ‘yung mga bagay na gusto namin like ito ngang pagpasok sa negosyo.

“So after J25 Salon nagkaroon pa kami ng another business a few months after, ang Rangsiman Thai Massage sa Dahlia Fairview. Ang ibig sabihin ng Rangsiman ay sikat ng araw sa Thailand and it’s a common name also na parang Juan Dela Cruz, na kapag sinabi nilang siman taga-Thailand ka. So, kaya naging Rangsiman ang pangalan niya, mabango, malinis ganyan namin inaalagaan ang Rangsiman Thai Massage.

“So sabi nga ni Jacque (Corona- owner of The Brewed Buddies and The Wings Haven) soon mag-partner naman kami with Rangsiman Thai Massage.

“Marami pa talagang branches in the near future, and sana next year kung pagpapalain ni Lord at kung kayo po ay susuporta sa mga negosyo namin, kung mata-try niyong pumunta rito sa The Brewed Buddies and The Wings Haven sigurado madaragdagan pa po ang negosyong ito sa amin at magbibigay kami ng mas marami pang trabaho which was ‘yun talaga ang number one goal namin ni Jem, ang magbigay pa ng mas maraming trabaho.

‘”Actually sobrang hirap, pero ang radio kasi for me ay parang hubby so, nag-eenjoy ako while doing ‘Barangay Love Stories,’ nagbibigay ako ng advice sa mga tao at sa pagbibigay ng advice sa mga tao na talagang I would say for me. Sabayan ko rin ng pagnenegosyo talagang swak na swak kaya naman pagsamahin.”

Isa pa sa negosyo ni Papa Dudut ang Digital Content Creations and  Mobile App kasama ang kanyang kaibigan sa California at anak ng isang dating showbiz manager sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …