Tuesday , December 24 2024

Sa Taguig City
2 HS STUDENTS, 4 KAMAG-ANAK INASUNTO VS BOMB THREAT

120522 Hataw Frontpage

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act ang dalawang high school students at apat na kamag-anak sa Taguig Prosecutors’ Office dahil sa pagbabantang pasasabugin ang Signal Village National High School.

Magugunitang noong nakaraang buwan, nabulabog ang nasabing paaralan dahil sa  pagbabantang pasasabugin at papatayin ang lahat ng mga estudyante.

Kinilala ang mga sinampahan ng kaso sa alyas na Angela, 16 anyos, senior high school student; isang alyas RJ, 14 anyos, babae; at mga nasa hustong gulang na sina Rizaldy, Theresa, Jessa, at Jessica.

Inihain ang reklamo nitong 24 Nobyembre 2022 sa pamamagitan ng inendosong kasong kriminal ng  Southern District Anti-Cybercrime Team (SDACT) at complainant mula sa PNP Anti-Cybercrime Group na paglabag sa Republic Act No. 11479 (Anti-Terrorism Act of 2020) at Presidential Decree No. 1727 (The Malicious Dissemination of False Information of the Willful Making of any Threat Concerning Bombs, Explosives or Any Similar Device or Means of Destruction) in relation to Section 6 ng RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Natukoy ng pulisya na ang Canto family ang responsable sa hoax bomb threat sa nasabing paaralan noong 7 Nobyembre 2022.

Panawagan at babala ni Southern Police District (SPD) Director, P/BGen. Kirby John Kraft: “Mariin nating ipinapaalala sa lahat na ang pagbibiro tungkol sa bomba ay may kaakibat na parusang multa at pagkakakulong kaya’t hinihingi namin na sana ay huwag na itong  mangyari muli. Amin lamang pong gagawin ang aming makakaya na protektahan ang publiko lalong-lalo ang ating mga kabataan sa anomang banta at panganib. Huwag din po kayong mag-atubiling ipagbigay-alam agad sa amin ang mga kahina-hinalang bagay o aktibidad.” (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …