Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rey Paulo Ortiz

Rey Paulo Ortiz ibinahagi sa charity at mga katunggali perang napanalunan sa 2022 Prince Tourism Ambassador Universe 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAKAMAMANGHA ang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe na si Rey Paolo Ortiz dahil imbes na i-enjoy ang napanalunang pera na $2,000, mas pinili nitong ibahagi ang napanalunan sa kanyang mga nakalaban at ang natira ay ibinigay naman  sa charity.

Masaya si Paolo na nakuha niya ang title at ilang special awards tulad ng Best in talent, Flower Prince of The Night during semi finals, at Flower king during coronation at Peolople’s Choice Award / Social Media Award, kaya ibinahagi na lang nito ang kanyang napanalunan sa mga katunggali.

Sa edad na 12, napakatalino nito, napaka-galang, guwapo, at-talented na namana  niya sa kanyang parents na sina Dr. Paul at Dr. Jen Ortiz.

At bilang Prince Tourism Ambassasor Universe 2022, ipo-promote niya ang magagandang lugar sa Pilipinas. “Bilang Tourism Ambassador ipapasyal ko sila sa 8 Wonders of the World, sa Banawe Rice Terraces pati na rin sa Boracay at sa Palawan.”

Isa sa pangarap ni Paolo ay maging sikat na singer katulad ng kanyang hinahangang rapper na si Andrew E at sikat na aktor na si Daniel Padilla. Para kapag sikat na siya,  siya na mismo ang magpo-promote at mag-e-endorse ng kanilang negosyo, ang Ortiz Group of  Skin Clinic.

At sa kanyang tagumpay sa 2022 Prince Tourism Ambassasor Universe, may mga tao  itong gustong pasalamatan na siyang tumulong sa kanyang laban tulad nina Ayen Castillo ng Aspire PhilippinesSupremo ng Dance Floor & actor Klinton Start, atmodel Rajan Paguio na nag-train sa kanya sa Q and A, talent, at pagrampa at lalong-lalo na sa kanyang very supportive parents na sina Dr Paul at Dr. Jen.

Alay ni Paolo ang kanyang pagwawagi sa kanyang amilya at sa sambayanang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …