Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glaiza de Castro 29th Filipino International Cine Festival

Husay ni Glaiza kinilala abroad

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Glaiza de Castro, huh! Hindi lang kasi sa ating bansa kinikilala ang husay niya sa pagganap kundi maging sa ibang bansa.

Kamakailan ay siya ang itinanghal na Best Actress sa 29th Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California, para sa pinagbidahan niyang pelikula na Liway.

O ‘di ba, international Best Actress na si Glaiza.

Bukod kay Glaiza, nagwagi rin para sa pelikula sina Kenken Nuyad bilang Best Actor, Dominic Rocco bilang Best Supporting Actor, at Kip Oebanda bilang Best Director.

Nanalo rin ng Best Screenplay si Kip kasama ang Kapuso director na si Zig Dulay.

“After four years na nakatatanggap pa rin ‘yung ‘Liway’ ng recognitions. Nakarating na kami ng States,” sabi ni Glaiza sa interview sa kanya sa 24 Oras.

Nasa kasagsagan ng shooting si Glaiza sa Canada nang mabalitaan niya ang  pagkapanalo. Sa Toronto mismo binubuo ang naturang film project ni Glaiza, na collaboration ng isang Canadian group at ng Canadian government.

“Masaya kasi may mga kababayan tayo. Mayroon ding ibang people from Russia. So ibang work ethics, sobrang efficient,” sabi ni Glaiza.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …