Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun
Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun

Mga anak ni Aiko gumigimik kasama si Cong Jay

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAALIW kami sa tsika ni Aiko Melendez tungkol sa boyfriend niyang si Zambales 1st District Congressman Jay Khonghun at binatang anak ni Aiko na si Andre Yllana.

May mga pagkakataon pala kasing gumimik sina Jay at Andre samantalang si Aiko ay naiiwan sa bahay.

“Yes may ganoon sila, man-to-man bonding, lalabas sila, gigimik, ako iwan, nganga! Kaloka,” ang tawa ng tawang tsika sa amin ni Aiko.

Happy naman siya sa ganoong senaryo dahil pagpapatunay iyon na super-close ang mga anak ni Aiko at ang kanyang kasintahan.

“Sobrang close sila kay Cong Jay and si Cong Jay yata ang nakarelasyon ko na nalalapitan nila in terms of ‘yung ‘pag may problema.

“Lalo na si Marthena, so mayroon na silang mga time na silang dalawa lang ang magkasama, nag-uusap sila.

“They’re very close, so wala akong problema pagdating sa bagay na ‘yun,” kuwento pa sa amin ni Aiko na main cast member ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters sa GMA bilang si Lily Chua.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …