Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Plus Size Fashion Stream

Plus Size Girls rarampa sa  Philippine Plus Size Fashion Stream 

MATABIL
ni John Fontanilla

Ang actor at director na si Ricky Rivero at K & Co. Events ang naging inspirasyon ng 14 Plus Size Girls na rarampa sa  Philippine Plus Size Fashion Stream…… A Fine Night Christmas sa December 28, 2022 sa Okada Manila.

Malaki ang pasasalamat nila sa K  & Co. Events dahil binigyan silang matataba ng venue para ipakita ang kanilang talent sa modelling at mas ma-develop pa ang kanilang self confidence gayundin kay direk Ricky na binigyan sila ng advice at training para mailabas pa nila ang ibang itinatagong talento.

Ang 14 Plus Size Models ay binubuo nina Christine Cruz, Shyramae Cortal, Mutya Lopez, Elezze Geoca, Leigh Cinco, Hazel Conde, May Cruz, Lee Paguta, Swen Koffa, Mariam Fouad Khalil, Denice Elizalde, Ria Abril, Arabella David, at Rocy Arcon Cajandab na pare-pareng dumaan sa pambu-bully at diskriminasyon.

Sa kalagitnaan ng presscon ay hindi naiwasang maiyak ng iba dahil simula pa lang pagkabata ay nakaranas na sila ng pambu-bully at diskriminasyon. Mabuti na lang    at may mga production na katulad ng K & Co events na nagbibigay ng oportunidad sa katulad nilang Plus Size Girls na maging professional models.

Ang Philippine Plus Size Fashion Stream…….A Fine Night Christmas Runway ay hatid ng K & Co Events sa pangunguna nina (Marketing Head) Ms.Koko Lagunzad at (Head Organizer) Josefine Diolata at sa direksiyon ni Ricky. (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …