MATABIL
ni John Fontanilla
MIXED emotions ang naging pagtanggap ng netizens sa pagbati ni Paolo Contis sa sinasabing karelasyon ngayon, si Yen Santos nang magwaging best actress sa Urian Awards para sa mahusay na pagganap sa pelikulang kanilang pinagsamahan nila, ang A Far Away Land.
Mayroong netizens na kinilig at natuwa, pero may mga nagalit at nilait ang dalawa.
Post nga ni Paolo sa kanyang FB, “Congratulations Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you!! Very well deserved! See you in awhile.”
At sinundan pa ng isa pang post with matching pictures ni Yen, “Happy Birthday My Best Actress!”
At ang mga nasabing post ni Paolo ay inulan ng maraming batikos mula sa ‘di natuwang netizens na kaagad nagkomento ng:
“Pinagpalit ang pamilya anak s panandaliang nakilala.”
“Bkt may mga bbae tlgang panira ng pmlya hapy k now pro in the future iiyak k rn ano ang gnwa m ciang bblik syo, Dios n bhla s inyo.”
“Yung maganda ka Pero Di mo ginamit dahil pumatol sa may pamilya isa kang tanga.”
“Your happiness is somebody else’s pain.”
“May mga tao talagang sobrang kakapal ng mukha. Binandera pa talaga ang relasyon nila as “friends” knowing na may sinaktan silang mga tao at winasak na pamilya.”
“Mga sinungaling na artista wag Yan sila suportahan sa kanilang career.” (John Fontanilla)