MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI man nagwagi sa katapos na Little Miss Universe 2022 ang pambato ng Pilipinas na si Kate Hillary Tamani na anak ni Doc Mio Tamani ay masaya ito dahil ginawa niya ang kanyang best para makuha ang korona.
Si Marianne Beatriz Bermundo ng Pilipinas ang 2021 Little Miss Universe ay kasamang lumipad sa Dubai para mag-host at magsalin ng korona sa mananalo ngayong taon.
At kahit hindi nagwagi ay pursigido at ‘di susuko si Kate na maabot ang pangarap na maging sikat na model at beauty queen.
Katunayan, isa ito sa magiging kandidato sa susunod na WCOPA para sa modeling category sa Malaysia para sa isang modeling search.
In fairness kay Kate napanoood namin on line ang naging performance nito sa 2022 Little Miss Universe at napakahusay ng performance nito kompara sa ibang kandidata mula ibang bansa.
Bbata pa naman si Kate at darating din ‘yung tamang oras para sa kanya para magwagi sa isang pang international modelling contest or beauty pageant.