Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaime FlorCruz PH ambassador to China
KASAMA sa retrato ng bagong talagang Philippine Ambassador to China, Jaime Flor Cruz, pangatlo mula sa kaliwa, ang itinuturing niyang kaibigan at kapatid, ang namayapang Ambassador Jose Santiago “Chito” L. Sta. Romana, una sa kaliwa, sa isang okasyon sa tanggapan ng Embassy of the Philippines sa Beijing, China. (Larawan mula sa social media)

Veteran journalist, anti-Marcos activist, itinalagang PH ambassador to China

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang isang beteranong mamamahayag at anti-Marcos activist bilang Philippine ambassador sa China.

Nabatid sa record ng Commission on Appointments (CA), hinirang ni FM Jr., si dating CNN Beijing bureau chief at anti-Marcos activist Jaime A. FlorCruz, bilang bagong Philippine ambassador to China kapalit ng namayapang si Jose Santiago “Chito” Sta. Romana.

Si FlorCruz, 71, ay isang estudyanteng anti-Marcos activist na naging exile sa China noong panahon ng batas militar ni Marcos Sr.

Nagsilbi siya bilang Beijing Bureau chief ng TIME Magazine at correspondent ng Newsweek sa China.

Saklaw ng hurisdiksyon ni FlorCruz bilang PH ambassador to China ang North Korea at Mongolia.

Samantala, itinalaga ni FM Jr., bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Republic of Austria with concurrent jurisdiction over the Republic of Croatia, Republic of Slovenia and Slovak Republic si Evangelina Lourdes “Luli” Arroyo Bernas.

Si Bernas ay anak ni dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Pinalitan ni Bernas si Maria Cleofe R. Natividad,  na itinalagang Philippine envoy to Austria noong 2017 ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinirang ni FM Jr. si Consul General to Vancouver Maria Andrelita Austria bilang Philippine ambassador to Canada. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …