Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Art Atayde

Sylvia tututok sa pagpo-produce ng pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI raw muna tatanggap ng teleserye ang awardwinning actress na si Sylvia Sanchez dahil mas magpo-focus muna ito sa pagpo-prodyus ng pelikula sa kanyang bagong tatag na film productions, ang Nathan Studios.

Ayon kay Sylvia, “Hindi muna ako tatanggap ng teleserye, susubukan ko muna ang pagpo-prodyus ng pelikula.”

Kamakailan nga ay lumipad  ito kasama ang kanyang pamilya patungong France para dumalo sa MIPCOM Cannes 2022 o ang 38th International Coproduction and Entertainment Centent Market, hindi lamang bilang suporta sa kanyang anak na si Quezon City District 1 Congressman  at mahusay na actor at bida sa Cattleya Killer na si Arjo Atayde, kundi bilang co-producer ng psychological thriller series.

Sinabi pa ni Sylvia na ayaw niyang maging artista lamang sa buong buhay niya, kaya naman susubukan niya ang paggawa ng pelikula para na rin makatulong sa ibang artistang walang trabaho at sa mga tao sa likod ng kamera.

Hindi naman puwede na buong buhay ko artista ka. May mga bagay din na gusto kong gawin, like pagpro-prodyus ng pelikula para tulong ko na rin at dagdag trabaho sa mga kapwa ko artista at sa mga tao sa likod ng kamera.”

Ilan sa mga proyekto ng Nathan Studios ay ang mga pelikulang X Factor, Topakk, at Cattleya Killer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …