Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Debbie Garcia Barbie Imperial

Debbie Garcia 3 kaso isinampa kay Barbie Imperial; VAA nagpahayag ng suporta 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SINAMPAHAN ng slight physical injury ng Vivamax sexy star na si Debbie Garcia ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial matapos ang umano’y pananakit at panunugod sa kanya habang nasa isang bar sa Quezon City.

Bukod dito, nag-file rin si Debbie ng grave oral defamation at grave slander by deed laban kay Barbie kahapon ng hapon sa Department of Justice sa Quezon City. Kasama ni Debbie para pormal na sampahan ng kaso si Barbie ang mga abogado niyang sina Atty. Luz Perez, Atty. Catherine Amen, at Atty. Cherry Lyn Pablo-Santos.

Bago ito’y sinugod umano ni Barbie si Debbie sa isang bar sa Quezon City noong Oktubre 28. Kitang-kita sa CCTV footage na trending sa social media, ang umano’y panunugod at pananakit kay Debbie dahil daw sa selos matapos nitong i-date ang kanyang ex-boyfriend na si Diego Loyzaga.

Kita rin sa CCTV footage ang pag-awat ng mga kalalakihan kay Barbie at inilayo kay Debbie.  

May tsikang matagal nang nagseselos si Barbie sa sexy starlet kahit noong magkarelasyon pa ang dalawa. 

Ikinagulat ni Debbie ang nangyaring suguran kaya naman agad itong nagtungo sa Kamuning Police Station para ipa-blotter ang aktres. 

Nagkasama sina Debbie at Diego sa The Wife ng Vivamax at naghiwalay naman sina Diego at Barbie noong Disyembre 2021 bagamat noong Pebrero 2022 lamang kinompirma ni Barbie ang kanilang hiwalayan ni Diego.

Habang isinusulat namin ang balitang ito’y wala pang inilalabas na pahayag si Barbie ukol sa insidenteng ito.

Sa kabilang banda, naglabas ng official talent ang management ni Debbie, ang Viva Artists Agency, na nagpapahayag ng kanilang suporta sa kanilang alaga.

 “VAA therefore fully supports its artist, Debbie Garcia, in taking legal action against her attacker in an incident of violence last October 28, 2022 (Friday) at a gastropub in Quezon City.  Debbie is set to lodge a complaint against the other person with the assistance of her counsel on November 2, 2022 (Wednesday).”

Nakiusap ang VAA na ‘wag nang palawigin pa ang pagkakalat ng video recording ng insidente.

VAA believes that Debbie has been at the receiving end of physical and verbal attacks in the said incident. VAA however kindly asks the public to refrain from further circulating copies of the video recording of the said incident on social media and allow the matter to be resolved legally.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …