Friday , December 27 2024
dead gun police

Convenience store nilooban
KAWATAN TIGOK SA ENKUWENTRO KASABWAT NAKATAKAS

NAPATAY ang isang hindi kilalang suspek sa panloloob sa isang convenience store matapos makipagbarilan sa mga awtoridad habang nakatakas ang kanyang kasabwat sa bayan ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 9 Oktubre.

Sa ulat mula kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, dakong 1:52 am kahapon nang mmagresponde ang mga tauhan ng Baliwag MPS matapos makatanggap ng ulat na may hinoldap na convenience store sa Brgy. Sulivan, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nakatangay ang mga suspek ng hindi pa matiyak na halaga ng cash saka tumakas sakay ng motorsiklo at iniwan ang mga hindi sinaktang biktima.

Sa isinagawang pursuit operation ng mga awtoridad, namataan nila ang dalawang taong sakay ng motorsiklo na tumutugma sa pagsasalarawan sa mga suspek na ibinigay ng mga biktima.

Pinara ng mga operatiba ang mga suspek ngunit imbes huminto ay pinaharurot ang kanilang motorsiklo sanhi ng mahabang habulan.

Nang masukol, bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang mga pulis na napilitang gumanti na nagresulta sa kanyang kamatayan. Nakatakas ang kasabwat ng napaslang.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45; isang Armscor na kalibre .45 na may isang magasin, limang cartridges; at isang belt bag na naglalaman ng cash na halagang P4,240. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …