Wednesday , May 7 2025
100622 Hataw Frontpage

SPD may namumuong lead
AMBUSH NG BETERANONG BROADCAST JOURNALIST INAASAHANG MAY RESULTA SA LOOB NG 24-ORAS

100622 Hataw Frontpage

ni MANNY ALCALA

IPINAHAYAG ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na sila ng lead ayon sa kanilang nakita sa dashcam ng sasakyan at cellular phone ng inambus at napatay na beteranong hard-hitting broadcast journalist na si Percival Mabasa, mas kilala bilang Percy Lapid, nang i-turnover sa pulisya ng naiwang pamilya ng biktima.

Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima na si Roy Mabasa ng Manila Bulletin, inaasahan nilang magkakaroon ng resulta ang imbestigayon ng pulisya sa loob ng 24 oras na ibinigay sa SPD ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director B/Gen. Jonnel Estomo para maresolba ang kaso.

Ito ang pahayag ng nakababatang Mabasa matapos makakuha ng lead ang pulisya sa footage na nakuhanan ng dashcam ng sasakyan ni Lapid.

Dagdag ni Mabasa, pinag-aaralan ng SPD ang CCTV footage na galing sa barangay na nakasasakop sa lugar ng pinangyarihan para sa pagkakakilanlan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Base sa inisyal na report, ang lalaki na nakita sa footage ang pinaniniwalaang bumaril at nakapatay kay Lapid.

Samantala, sinabi ni Las Piñas police chief, Col. Jaime Santos kanilang hinihintay ang resulta ng digital forensic test na isinagawa sa cellular phone ni Lapid upang matukoy ang huling nakausap ng biktima o dili kaya’y kung nakatanggap siya ng death threat sa mga oras na iyon.

Sinabi ni Santos, maaaring maging instrumento ang digital forensic test upang matuloy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na walang awang bumaril kay Lapid nitong Lunes ng gabi habang papasok sa gate ng isang subdibisyon sa Las Piñas City.

Dagdag ni Santos, sila ay kasalukuyang nasa proseso ng backtracking sa CCTV footage na kanilang nakuha mula sa barangay kung saan nangyari ang insidente ng pamamaril kay Lapid.

TASK FORCE BINUO

NG LAS PIÑAS POLICE

SA AMBUSH-SLAY

KAY PERCY LAPID

BUMUO ng isang special task force ang Las Piñas City Police Station upang tutukan ang pag-iimbestiga sa kasong ambush-slaying sa broadcast journalist na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid na naganap nitong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Las Piñas City police chief P/Col. Jaime Santos, ang Special Investigation Task Force Group (SITG) ay kanilang binuo upang matutukan at maimbestigahang mabuti kung ano ang naging motibo sa likod ng pagpaslang at madakip ang mga may kagagawan ng pagpaslang kay Lapid.

Ang 63-anyos na broadcast journalist ay kilalang hard-hitting radio commentator sa kanyang programang Lapid Fire sa estasyon DWBL, residente sa San Beda Homes, Talon Dos, Las Piñas City.

Ayon kay Santos, ang Las Piñas police ay magsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pagkamatay ni Lapid upang mabigyan ng hustisya ang kanyang pamilya.

Ayon kay Santos, ang cellular phone ni Lapid ay isusumite para sumailalim sa digital forensic test habang ang dashcam na nakakabit sa sasakyan ng biktima ay ire-review para sa back tracking at tracing na makatutulong sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Dagdag ni Santos, kanilang titingnan ang lahat ng posibilidad at anggulo na maaaring may kinalaman sa trabaho ni Lapid bilang isang mamamahayag ang pagkakapatay sa kanya.

“I already have tasked all units to exhaust all resources to identify and locate the suspects. The task group is now obtaining copies of the CCTV footage that may help in the investigation,” ani Santos. (MANNY ALCALA)

Lopez nanawagan ng pagkakaisa

PABUYA VS ‘GUNMAN’

AT ‘MASTERMIND’

NG PAGPASLANG

KAY PERCY LAPID

HINIKAYAT PATAASIN

HINIMOK ni Atty. Alex Lopez ang mga mamamahayag na magsamasama at kondenahin ang nangyaring pamamaslang sa broadcast journalist na si Percival Mabasa a.k.a. Percy Lapid.

Ayon kay Lopez, malapit na kaibigan ni Mabasa (Lapid), naiintindihan niya ang takot na dulot sa mga mamamahayag ng nangyaring pagpaslang sa kanilang kabaro kaya naman gaya ng laging panawagan ng administrasyong Marcos, unity o pagkakaisa ang nakikitang susi para mahuli ang suspek at hindi na maulit pa ang nangyaring pamamaslang.

Una nang nagbigay si Lopez ng P1 milyong pabuya para sa makapagtuturo kung sino ang pumatay at mastermind ng pagpaslang kay Mabasa (Lapid).

Umaasa si Lopez na makahihikayat ang mga kabarong mamamahayag ng mga tao o establisimyemento na makapagdaragdag sa pabuyang posibleng magresulta sa mas mabilis na pagkakadakip ng mga salarin at utak ng pamamaslang. (NIÑO ACLAN)

About Manny Alcala

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …