Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zeinab Harake Rhea Tan

Zeinab Harake ‘di pipilitin ang pag-aartista

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGDADALAWANG-ISIP ang newest addition sa lumalaking pamilya ng BeauteDerm na si Zeinab Harake na pasukin ang magulong mundo ng showbiz kahit kaliwa’t kanan ang alok ng TV networks.

Ayon kay Zeinab sa presscon na ibinigay dito ng CEO & President Rhea Anicoche Tan bilang ambassador ng Koreisu, “Natatakot lang po talaga akong pasukin ‘yung mundo ng showbiz, feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting.

“Ako po talaga, gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo na ‘yung mama ko. Sa totoo lang po, nag-o-audition po ako sa GMA, sa ABS, sa kahit saan. Naranasan ko pang maging ekstra sa mga TVC noong bata po ako.

“Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling ‘yung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin ‘yung kaya nilang gawin, eh

Magiging totoo lang po talaga ako palagi sa kung hanggang saan ang kaya ko. 

“For now, kung ano po ‘yung nao-offer sa akin, lumalabas po ako sa TV, nagkakataon po na kapag guesting naman kasi is being you lang din naman ‘yun.

So, para lang din akong nagba-vlog, ganoon, pero pagdating po sa serye at sa movies, malalaman pa po natin ‘yan.

“Sa mga sayaw-sayaw, guesting-guesting, pumapalag naman po ako riyan. Kahit talk show-talk show, kasi sayang naman ‘yung kaunting talakan ng isip ko pagdating sa mga standard ng mga mamamayan.

“Sa kanila kasi ako lumaki, eh.‘Yung bunganga ko, pang-kanila talaga ‘yun. ‘Yung mindset ng streets, iba po talaga ‘yon, eh.

“The way, na nagsasalita ako sa mga video ko, nagugustuhan nila and nakare-relate sila.

 “Lahat po ng ginagawa ko, natural lang. Hindi po ako nagpapaka-plastic, hindi ko po kailangang ipilit ang sarili ko, and okay na po ako na ganito. 

“Kung sino po ang tumatanggap, marami pong salamat, mamahalin ko kayo ng lubos, hindi ko hahayaang masira ang tingin ninyo sa akin,” mahabang sambit ni Zeinab. 

Pero if ever na mabibigyan siya ng pagkakataong makasama sa telebisyon o pelikula ang mga paborito niyang sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Carlo Aquino, at Piolo Pascual ay baka mag-iba ang kanyang isip at pasukin na ang showbiz, pero depende   sa magiging role na ibibigay sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …