Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Carlo Aquino Jason Paul Laxamana 2

Julia may katwiran ang pagpapa-sexy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI malaswa o bastos! Ito ang nasabi namin matapos mapanood ang premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Julia Barretto, ang Expensive Candy na idinirehe ni Jason Paul Laxamana noong Lunes sa SM North The Block.

Tama ang sinabi ni direk JP sa mga naunang mediacon na hindi bold ang pelikula kundi love story ng isang teacher na nainlab sa isang pokpok. 

As usual, maayos na nailatag ni Direk JP ang istorya ni Candy na naghahangad ng isang magandang buhay. Iniwan ang pgpipokpok nang ibahay ng nainlab na teacher subalit nagkaloko-loko ang kanilang buhay kaya hindi rin nauwi sa maganda ang kanilang pagsasama.

Nasagot ang katanungan namin kung bakit nga ba tinanggap ni Julia ang pelikulang ito gayung out of her comfort zone at bago sa mga nagawa na niyang pelikula. Dagdag pa na nagpaka-daring siya rito.

Ang sagot ay nasa kalagitnaan dahil doon ipakikita ang pagiging aktres ni Julia. Mayroon silang moment ni Carlo na nagsasagutan dahil hindi naging maganda ang naging pagsasama nila. Panalo ang eksenang iyon na talagang nakipagsabayan si Julia kay Carlo.

Kumbaga eh may katwiran ay may dahilan ang ginawang pagpapa-sexy o pagppaka-daring ni Julia na tiyak marami ang hahanga sa kanya.

Samantala, star studded ang red carpet premiere night dahil sinuportahan sina Julia at Carlo ng kanilang pamilya, mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz kaya naman punumpuno ang sinehan sa SM The Block.

Present sa event ang nanay ng aktres na si Marjorie Barretto pati na ang kanyang mga kapatid.

Ipalalabas sa mga sinehan ngayong September 14 ang Expensive Candy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …