Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Jamilla Obispo Felix Roco Wag Mong Agawin ang Akin 

Wag Mong Agawin ang Akin mas pinainit pa ang bawat episodes

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI lang mga puso ang mawawasak, pati mga relasyon ay unti-unti na ring masisira sa huling dalawang linggo ng pinakaagaw-pansin na adult drama, ang ‘Wag Mong Agawin ang Akin  na tampok sina Angeli Khang(Jasmine), Felix Roco (Tom), at Jamilla Obispo (Christine).

Lalong umiinit ang kuwento ng ‘Wag Mong Agawin ang Akin na idinirehe ni Mac Alejandre ngayong alam na ni Jasmine (Angeli) na ang secret girlfriend ni Tom (Felix) ay ang kanilang boss at idol niyang si Christine (Jamilla). Susubukan nang makipaghiwalay ni Jasmine kay Tom bago pa man malaman ni Christine. Pero gumagalaw na ang galamay ng kasamaan, sa katauhan ni Ryan (Arron Villaflor). Makikita ni Christine ang private photos ng dalawa  na magiging dahilan ng kanyang galit.

Parang binabasag ang puso ni Christine sa pag-confront sa lalaking pinakamamahal niya na si Tom at kay Jasmine na itinuturing niyang anak. Sasamantalahin ni Ryan ang kahinaan ng loob ni Christine na mapapayag itong makipag-sex sa kanya kapalit ng impormasyon sa nawawalang anak ni Christine na siya namang naabutan nang nagpupuyos sa galit na si Tom.

Sa lahat ng pinagdaraanan ni Tom, si Jasmine ang magiging sandigan niya. Kung inaakala ni Jasmine na siya na ang nanalo sa agawan, nagkakamali siya dahil alam niyang si Christine pa rin ang laman ng puso ni Tom.

Ngunit paano kaya tatanggapin ng dalawang babaeng magkaagaw ang rebelasyon na silang dalawa ay mag-ina? Pakatutukan sa mas pinainit pang episodes ng ‘Wag Mong Agawin ang Akin, exclusive lang sa Vivamax – bagong episode kada Linggo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …