MATABIL
ni John Fontanilla
MULA sa pagiging Kapuso, Kapamilya na pala si Kim Rodriguez na mapapanood na sa Darna.
Ayon kay Kim matagal na siyang walang kontrata sa GMA, kaya naman libre na siyang tumanggap ng proyekto sa ibang estasyon.
At ngayon nga ay kasama ito sa Darna bilang isa sa kontrabida at makakalaban ni Darna.
“Tito matagal na po akong walang kontrata sa GMA, kaya free na po akong tumanggap ng proyekto sa ibang TV network.
“Sobrang saya ko, kasi dati pinanonood ko lang si Darna, and alam mo naman tito idol na idol ko si Ms. Angel Locsin.
“Kaya naman thankful ako and blessed kasi ‘di ko naman akalain na magiging regular ako from dalawang taping day,” excited na pagbabahagi ni Kim.
Masaya rin siyang makatrabaho ang ilang Kapamilya stars.
“Excited na nga po akong makatrabaho ang mga Kapamilya star. Bagong pamilya at bagong journey sa akin kaya mas lalo ko pang gagalingan,” anito.
Sinabi pa ni Kim na, “Sa una pressured po ako bukod sa wala pa akong nakakatrabahong artist sa ABS, bukod sa alam kong magagaling silang lahat,
” Happy ako at si tito Ogie Diaz ang manager ko, dahil di nya ako pinapabayaan and para ko na syang tatay. “
Bukod sa Darna ay isa din ito sa paparangalan sa 2022 Outstanding Men and Woman bilang Outstanding Woman ( Actress/ Businesswoman) sa Aug. 27 sa Teatrino Promenade Greenhills.