Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ejay Falcon Jana Roxas Rhea Tan

Beautederm CEO Rhea Tan kinuhang ninang sa kasal nina Ejay at Jana

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NATUTUWA ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na nadagdagan na naman ang mga ambassador niya na engaged na. Pagkatapos ni Arjo Atayde na engaged na kay Maine Mendoza, sumunod naman sina Ejay Falcon at Jana Roxas na parehong Beautederm babies.

Sa pakikipag-chat namin kay Ms. Rhea sa Instagram, sinabi niyang masaya siya para kina Ejay at Jana dahil nasaksihan din niya ang pagmamahalan ng dalawa. Nakasama pa niya ang mga ito sa matagumpay na Beautederm Franchisee Ball 2022 na ginanap ilang araw bago ang engagement.

Inamin pa ni Ms. Rhea sa aming kinuha na siyang ninang sa kasal nina Jana at Ejay.

Yes, actually nag-message na si Jana na ninang ako,” sabi sa amin ni Ms. Rhea.

Pamilya na kasi ang turing niya kina Ejay at Jana kaya happy siya na kinuha siyang ninang sa kasal.

“Sina Jana and Ejay hindi ko lang endorsers, pamilya na talaga ang mga ‘yun. Isang sabi lang basta pwede sila sama sila. Si Audrey (anak ni Ms. Rhea) ninong na si Ejay sa confirmation. Tapos sina Jana and Ejay, ninang at ninong ng mga anak ng only sister ko na si Bambie. Basta pwede sila ay nagba-bonding kami. Wala ng presyo-presyo sa amin. Pamilya na kami talaga kaya love ko ‘yung dalawang ‘yun, sobra!” ani ni Ms. Rhea.

Happy si Ms. Rhea na bukod sa beauty ay love is in the air para sa Beautederm na nagdiriwang ng kanilang 13th anniversary.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …