Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lani Cayetano Taguig Signal Village School

F2F classes binisita ng LGU chief

PERSONAL na binisita ni Taguig City Mayor Lani  Cayetano, ang mga mag-aaral sa Signal Village National High School na binuksan ang klase para sa School Year 2022-2023 kahapon, 22 Agosto 2022.

Kabilang sa bumisita sina DepEd TaPat Schools Division Superintendent Dr. Margarito Materum, School Governance and Operations Division (SGOD) Chief Danny Espelico, at Councilor Marisse Balina-Eron ang mga mag-aaral.

Naging maayos at matiwasay ang pagsalubong ng mga estudyante sa unang araw ng pasukan sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na binisita rin ng ilang  lingkod-bayan. Ang kaayusan sa unang araw ng pasukan ay dahil sa masusing paghahanda ng mga paaralan katulong ang pamahalaang lungsod.

Pinaalalahanan ni Mayor Lani ang mga guro at mga mag-aaral ng kahalagahan sa pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagsagawa ng classroom tour ang alkalde sa EM’s Signal Village Elementary School upang malaman ang kalagayan ng mga mag-aaral at mga guro sa paaralan.

Nasa 8,000 ang mga mag aaral na lumahok sa unang araw ng face-to-face classes.

Nagkaroon ng programa ang pamunuan ng Signal Village National High School sa partisipasyon ng ilang estudyanteng nagpakita ng kanilang talento sa pagsayaw, bago pumasok sa sillid aralan.

Ang blended learning ay magtatapos sa 1 Nobyembre 2022 kaya inaasahang sa 2 Nobyembro ay 100% na ang face-to-face classes sa mga public school sa Taguig.

Ayon kay Mayor Lani, mahalagang suportahan ang hakbangin ng DepEd sa isusulong na face-to-face classes. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …