Wednesday , April 9 2025
081922 Hataw Frontpage

Palasyo deadma
US LAWMAKERS, HINARANG NG PNP SA PAGBISITA KAY DE LIMA

081922 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa pagharang ng Philippine National Police (PNP) sa isang grupo ng US lawmakers na bibisita kay dating senador Leila de Lima kahapon.

Naganap ang insidente, ilang oras matapos makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa US lawmakers sa pangunguna ni Sen. Edward J. Markey sa Palasyo.

Walang kibo ang Malacañang kung napag-usapan nina FM Jr., at US lawmakers ang kaso ni De Lima.

“Earlier today, we had the pleasure of meeting the US Congressional Delegation headed by Senator Edward J. Markey,” paskil ni FM Jr., sa kanyang Facebook page.

“We look forward to continuing our partnership with the US in the areas of renewable energy use, agricultural development, economic reform, and mitigation of drug problem.”

Napaulat na inihayag ni B/Gen. Roderick Augustus Alba, chief ng PNP-Public Information Office, na kailangan ng grupo ni Markey ng permiso mula sa hukuman bago payagang mabisita si De Lima.

“The PNP will extend utmost courtesy and assistance to a foreign delegation from the US Senate that will check on the conditions at the PNP Custodial Center in Camp Crame, consistent with existing guidelines and procedures on visitorial privileges in the detention facility,” ani Alba sa isang kalatas.

Matatandaan, si Markey ay pinagbawalang makapasok sa Filipinas noong administrasyong Duterte dahil sa panawagan na palayain si De Lima at pagbatikos sa human rights record, pagsikil sa press freedom, at red-tagging.

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …

Lito Lapid Gwen Garcia

Sen Lito itinutulak Cebu Church restoration project

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan ng Cebu …

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

knife, blood, prison

Step-son patay, ka-live-in sugatan sa saksak ng selosong partner

NADAKIP ng pulisya nitong Sabado, 5 Abril, ang isang lalaking inakusahang pumatay sa kaniyang anak-anakan …