IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station Award bilang pinakamahusay sa Southern Police District (SPD).
Ipinagkaloob ang parangal para sa namumukod-tanging pagganap ng Muntinlupa Police sa ilang kategorya, kabilang ang paglutas ng krimen at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Kinilala rin ng PNP sina P/SSgt. Reynold Sajulga Aguirre bilang Best Junior Police Non-Commissioned Officer for Operations, P/Cpl. Francis Paulo Sumayod bilang Silver Medal Awardee, at P/EMSgt. Andrew Gil Garcia bilang Bronze Medal Awardee.
“We are definitely proud of our City police force for their excellent performance,” ani Mayor Rozzano Rufino Biazon.
“More so we are grateful for the dedication of our policemen and women to serve all Muntinlupeños.”
Ayon kay police chief, P/Col. Angel Garcillano, mula Hulyo 2021 hanggang Abril 2022, nagawa ng Muntinlupa Police na patuloy na mahigitan ang counterparts nito sa mga lugar ng operasyon laban sa ilegal na droga ng most-wanted person na inaresto, bilang ng mga krimeng naresolba, pinakamababang bilang ng insidente ng krimen, at pakikipag-ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng regular na aktibidad at suporta ng stakeholder.
Ang mahusay na rekord ng paglaban sa krimen ng lungsod ay konektado sa 7K prayoridad na mga programa ni Mayor Biazon na kinabibilangan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan upang hikayatin ang paglago ng ekonomiya at panlipunan.
(GINA GARCIA)