Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
maid in malacanang

Maid in Malacanang pinalakpakan ng mga manonood

MATABIL
ni John Fontanilla

SAKSI ang inyong lingkod sa dami at ‘di mabilang na taong nanood ng controverial movie na Maid In Malacanang na hatid ng Viva Films at pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Ella Cruz, Diego Loyzaga, Kiko Estrada, at Cesar Montano.

Kasama rin dito sina Elizabeth Oropeza, Karla Estrada, at Beverly Salviejo with special participation nina Robin Padilla at Giselle Sanchez.

Sa tatlong beses na panonood ko nito sa Gateway, SM North, at SM Fairview ay punompuno ang halos lahat ng sinehan na palabas ang Maid In Malacanang at nasaksihan namin ang pag-iyak ng mga taong nanonood sa madamdaming eksena nina Cristine (Imee) at Cesar (Pres. Ferdinand Marcos) gayundin sa eksena nina Diego (Bongbong) at Cesar at nina Ella (Irene) at Macoy.

Napatawa naman ang mga tao sa mga eksena ng mga maid na sina Karla (Santa), Elizabeth (Lucy), at Beverly (Biday).

At pagkatapos ng pelikula ay nakakikilabot ang malakas na palakpakan mula sa mga taong nakapanood nito na ang iba ay nagsitayuan pa habang pumapalakpak, kaya naman congratulations sa ViVa Films, Direk Darryl Yap at sa cast and crew ng Maid In Malacanang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …