Thursday , June 4 2026
Mavy Legaspi Jackie Lou Blanco

Komento ni Jackie Lou sa post ni Mavy minasama ng ilang netizen

MA at PA
ni Rommel Placente

NITONG Lunes, September 2, nag-post ng larawan si Mavy Legaspi sa kanyang Instagram page. Makikita sa larawan ang pagpayat ng binata na may caption na, “been doing just fine.”

Nag-comment dito ang beteranang aktres na si Jackie Lou Blanco.

Aniya, mas gumwapo si Mavy. “Mas gwapo ka Nak!!! looking great!!! keep it up!!!

Ang komento na ito ni Jackie Lou sa post ni Mavy ay tila minasama ng ilan sa netizens dahil ikinukompara umano nito ang aktor kay Kobe Paras.

Para sa mga hindi aware, dating may relasyon sina Mavy at Kyline Alcantara ngunit hiwalay na at ngayon nga’y kay Kobe nali-link sa isa’t isa.

Bagamat wala namang sinabing iba si Jackie Lou ay naging judgmental ang ilang netizens dahil sa salitang “mas.”

“@jackielou.blanco more masculine naman ung isa hehe,” comment ng isang netizen.

Hirit naman ng isa kay Jackie Lou, “mas gwapo naman si kobe layo lakas ng appeal.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …