Sunday , December 22 2024

Talagang kahanga-hanga

HABANG tumatagal ay lalo akong napapahanga kung paano pinaninindigan ni dating National Bureau of Investigation Director Nonnatus Rojas ang kanyang pagbibitiw sa posisyon sa kabila ng “presyur” ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at mga amuyong.

Hindi madaling tanggihan ang pangulo lalo na’t kung siya mismo ang personal na makikiusap para sa isang pabor pero nagawa ito ni Ginoong Rojas dahil sa prinsipyo. May palagay akong ang kanyang desisyong huwag bumalik sa puwesto ay nag-ugat sa wala sa lugar na pagbubunganga ni B.S. Aquino laban sa NBI.

Naging ugali na kasi ni B.S. Aquino na hiyain sa publiko ang mga kawani ng gobyerno lalo na kung may okasyon. Tama na punahin ang mga sangay ng pamahalaan lalo na ‘yung mga tutulog-tulog at walang hiyang empleyado pero ang mga puna ay dapat nakabatay sa datos, resulta nang masinop na imbestigasyon at hindi sa bulong-bulong lamang. Dapat din ginagawa ang pagpuna sa tamang lugar at panahon. Hindi sa mahahalagang okasyon.

Maaari naman magpatawag ng isang pulong balitaan sa isang ordinaryong araw at doon ibulalas ang puna. Dapat na inilalagay sa tamang konteksto ang mga bagay-bagay sapagkat hindi lahat ng kawani ng mga institusyong pinupuna ay walang hiya, salot sa bayan o pabaya.

Pero mukhang hindi ganito ang nangyari nang hiyain ni B.S. Aquino ang lahat ng kawani ng NBI. Sinabi niya sa isa niyang tauhan (deputy) ni Rojas na hindi maaaring pagkatiwalaan kaugnay sa kaso ng multi-bilyong pisong eskandalo sa pork barrel. Dahil hindi niya pinangalanan ang mga inaakusahan hindi maiaalis sa mga kawani ng NBI na mademoralisa at isipin na lahat sila ay binahiran ng kasalan.

Aba kung hindi pa pala puwedeng pangalanan dahil may imbestigasyon nagaganap ay dapat na hindi na muna nagsalita nang masakit si B.S. Aquino laban sa NBI. Matapos ang pangyayaring ito ay minabuti ni Rojas na magbitiw sa puwesto. Ang ginawang niyang ito ay gumulantang sa lahat. Pinatunayan niya na siya’y may kahihiyan at paninindigan. Sayang at hindi ganito ang kalidad ng karamihan sa mga pul-politiko at mga nasa poder.

Malinaw na napahiya si B.S. Aquino at Justice Secretary Leila De Lima sa paninindigan ni Rojas kaya tinangka nilang hikayatin na manatili sa puwesto. Sa mga sumunod na pahayag ay idiniin pa nila, bilang parang paghuhugas kamay, na buo raw ang kanilang tiwala kay Rojas.

Buo raw ang tiwala pero pansinin na hindi man lamang sinabihan si Rojas na susuko o sumuko na pala sa Malacañang si Janet Lim Napoles, ang pangunahing iniuugnay sa pork barrel scam. Ang siste ay inihatid ni B.S. Aquino si Napoles sa tanggapan ng Philippine National Police sa kabila ng katotohanan na NBI ang may tangan ng kaso.

Lahat ng ito ay mukhang tanda na walang tiwala si B.S. Aquino, hindi lamang kay Rojas kundi sa lahat ng mga kawani ng NBI.

Siguro dapat sundan ng mga ordinaryong empleyado ng NBI ang ginawa ni Rojas bilang protesta sa tila pagbalewala ni B.S. Aquino sa kanilang matapat na paglilingkod sa bayan. Puwede na rin sumabay sa pagbibitiw ‘yung mga talagang walanghiya at abusadong kawani ng NBI.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon. -30-

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *