Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

3 miyembro ng gun running syndicate swak sa kulungan  

ARESTADO ang tatlong miyembro ng Krisostomo Criminal Group na sinabing responsable sa gun running activities sa Makati sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib puwersa ng  Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Southern Police District (SPD) at District Mobile Force Battalion (DMFB) kasama ng Makati City Police, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni SPD Director, P/BGen. Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Joseph Palarca, 37, driver/bodyguard at residente ng Makati; Jethro dela Fuente , 32, driver/bodyguard,ng Quezon City; at Emmanuel San Jose, 32, Executive Assistance ng Pasig City.

Sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong alas 10:30 am ng 16 Hulyo 2022, sa panulukan ng A. Venue Parking B. Valdez at Salamanca, Makati City.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek at swak sila sa paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms) nang magbenta ng isang M16-AI caliber 5.56mm rifle may Serial No. 4899784.

Nasamsam rin ang isang Bush Master Caliber 223-5.56mm rifle; tatlong magazine para sa M16-AI Caliber 5.56 rifle; 20 rounds ng  live 5.56mm ammunition; tatlong magazine para sa Bushmaster Caliber 223-5.56mm rifle; 25 rounds ng  live 5.56mm ammunition; isang Glock 22 Gen 4 caliber .40 Pistol; isang magazine para sa Glock 22 Gen 4;  10 rounds ng live caliber .40mm ammunition, isang P1000 dusted bill na kasama sa bulto ng boodle money, at tatlong sling bag at identification cards ng mga suspek.

Nasa kustodiya ng CIDG ang mga suspek para sa paghaharap ng pormal na reklamo.

“I would like to commend our personnel for the job well done in arresting the members of Krisostomo Criminal Group, this is the result of our intensified intelligence gathering measure here in Southern Metro, this must also serve as warning to those other, stop your illegal activities in our area or you will get caught and put behind bars,” pahayag ni Macaraeg. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …