ni ROSE NOVENARIO
PATAY nang bumagsak mula sa ika-apat na palapag ng Mabini Hall ng Malacañang ang isang kawani kanina dakong 6:00 am sa San Miguel, Maynila.
Kinilala ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang biktimang si Mario Castro, administrative aide na nakatalaga sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.
Sinabi ni Angeles, iniimbestigahan ng Presidential Security Group at Philippine National Police Security Force Unit ang insidente.
Ayon sa source ng Hataw, tumalon umano si Castro ngunit hindi pa ito maberipika dahil ayaw magbigay ng detalye ang Agilex Security Agency at PSG na may mga nakaposteng tauhan sa Gate 7 ng Malacañang nang bumagsak si Castro.
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …