HINDI nakapalag ang isang lalaki nang arestohin matapos madiskubreng may nakabinbing kasong murder sa Parañaque City.
Magpapasailalim sana sa Witness Protection Program (WPP) ang inaresto ngunit natuklasang may nakabinbing kasong Murder sa Parañaque City.
Sinabi ni NCRPO Regional Director P/MGen. Felipe Natividad, walang nagawa ang akusadong si Roque Sumayo na gusto sanang magpasailalim sa WPP pero natuklasang may Warrant of Arrest sa kasong Murder.
Ayon kay Natividad, nagtungo sa Kampo Crame si Sumayo upang makipagkita sana kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., sa pamamagitan ng Complaint Refferal and Monitoring Center.
Nabatid na magpapatulong sa PNP na mailagay siya sa WPP dahil sinalakay at pinaslang ng pulis ang kanyang asawa at mapalad, hindi siya makatakas.
Pero nang silipin ng PNP ang record ni Sumayo, natuklasang sa E-warrant na mayroon palang Warrant of Arrest sa kasong Murder noon pang Enero ngayong taon sa Parañaque RTC Branch 257.
Ayon sa ulat, nakuha ng kopya ng Warrant of Arrest ang PNP at dito na dinampot ng mga pulis si Sumayo. (GINA GARCIA)