BINARIL habang nagpapahayag ng campaign speech si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa western Japan kaninang umaga.
Sa ulat ng NHK news, duguang bumulagta matapos umalingawngaw ang dalawang magkasunod na putok na tumama sa kanyang likod.
Agad dinala sa pagamutan si Abe.
Ibinalita ng ABC News, ang puso ni Abe ay nasa “stopped condition” at walang vital signs habang isinusulat ang balitang ito.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Tetsuya Yamagami, 41 anyos, nasa kustodiya ng pulisya.
Narekober sa crime scene ang isang shotgun. (ROSE NOVENARIO)