Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABIL
ni John Fontanilla

DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay

sa pag-awit nito ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Tsika ng mahusay na host sa kanyang radio talk show na Cristy Ferminute, “Ang sabi wala raw sa tono, kesyo ‘yung kamay daw niya, ‘yung kanang kamay hindi raw niya inilagay sa kaliwang dibdib, kesyo nagmamadali raw.

Ang tempo po ng ‘Lupang Hinirang’ ay pamartsa po talaga. Tama po ‘yung ginawa ni Toni Gonzaga at naabot po niya lahat ng tono, hindi po siya sumabit. Maayos po niyang nairaos ‘yung ‘Lupang Hinirang’.”

Dagdag pa nito, “Hindi po ganoon kadali na kumanta sa isang pambansang gawain na nakatutok ang buong mundo. Sabihin natin buong mundo dahil kahit sa ibang bansa, pinapanood ang inagurasyon, sa totoo lang.

Wala tayong magagawa, siya po ang pinili ni Pangulong Bongbong Marcos.”

Pero kung mayroong mga lumait sa pag-awit ng Lupang Hinirang ni Toni ay may mga tao namang nagustuhan  at pumuri sa pagkaka-awit ni Toni.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …