Monday , May 12 2025
dead baby

95 batang Pinoy patay sa malnutrisyon kada araw

MAY siyamnapu’t limang batang Filipino ang namamatay kada araw dulot ng malnutrition.

“The fragmented and weak health system in the Philippines is chronically in crisis,” ayon kay Dr. Magdalena Barcelon ng grupong Community Medicine Practitioners and Advocates Association (COMPASS) sa panayam ng HATAW.

Aniya, mayorya sa mga Pinoy ay pinagkaitan ng karapatan sa kalusugan sanhi ng kakulangan sa access sa ‘basic health care services and to the sociocultural determinants of health” gaya ng malinis na inuming tubig, sapat na pagkain at kabuhayan.

Isa aniyang malinaw na halimbawa ng sistematikong krisis sa kalusugan ang datos mula sa Department of Health (DOH) na isa sa bawat apat na Pinoy na namamatay ay hindi nakapagpakonsulta sa doktor.

Batay sa datos ng United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF) noong 2018 ay 95 bata ang namamatay kada araw sa Filipinas bunsod ng malnutrition, isa sa bawat tatlong Pinoy na may edad

5 anyos pababa ay bansot at 27 sa bawat 1,000 ang namamatay bago sumapit sa edad na 5-anyos.

Noong nakaraang linggo, inaprobahan ng World Bank ang $178.1 milyong loan para suportahan ang Filipinas sa pagpapatupad ng nutrition project upang matugunan ang problema sa pagkabansot ng mga batang Pinoy.

Sinabi ni Barcelon, ayon sa DOH Field Health Services Information System 2020 Annual Report, may isang government physician sa bawat 32,460 population o ratio na 1:32,460 na malayo sa rekomendasyon ng World Health Organization na  1:1,000 population.

Paliwanag niya, kahit kada taon ay may

health science colleges graduate na 38,000 nurses at 4,500 doctors at may 144,360 registered doctors sa bansa, may 10,482 doctor lamang sa DOH at 5,484 ang naglilingkod sa rural health units.

Iniulat din ng DOH na mula sa 40,775 practicing doctors noong 2017, nabawasan ito at naging 28,800 hanggang noong 31 October 2021. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …