NASA 80 bahay ang tinupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog sa Valley 6, Brgy. San Isidro Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Pasado 2:00 am nang sumiklab ang sunog na nagmula sa bahay na pag-aari ni Maria Teresa Cayabyab.
Dahil yari sa light materials agad kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.
Ayon Kay Parañaque City fire director Supt. Bernard Rosete, tinatayang nasa P.6 milyon ang halaga ng napinsalang ari- arian.
Nahirapan makapasok ang mga fire truck na nagresponde sa lugar dahil ginagawa ang kalsada.
Ayon kay Rosete, wala umano silang bilang ng mga pamilyang naapektohan ng sunog dahil malawak ang lugar.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay ng insidente.
Pansamantalang nasa covered court ang mga pamilyang apektado ng sunog sa Brgy. San Isidro sa Parañaque City.
Naapula ang sunog pasado 4:14 am na umabot sa ikaapat na alarma. (GINA GARCIA)