Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu

Sa Taguig City  
P4-M DROGA NASAMSAM SA 4 BUY BUST 

TINATAYANG abot sa P4-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga operatiba sa magkakahiwalay na buy bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa Taguig, Muntinlupa at Las Piñas City, nitong Biyernes at Sabado.

Base sa ulat na isinumite ni P/Major Cecilio Tomas, Jr., kay SPD Director P/BGen. Jimili Macaraeg, pitong pawang nasa talaan ng high value individual (HVI) na kinilalang sina Abdul Wahid Solaiman,  41 anyos,  tricycle driver,  residente sa Mindanao Avenue, Barangay Maharlika, Taguig City; Bong Pagayao Mangelen, 35, taga-Sitio Imelda St., Barangay Upper Bicutan, Taguig City; Benji Guianadal Maitum, 27,  taxi driver, ng  Block 125 Lot 8, Sitio Imelda St., Brgy Upper Bicutan, Taguig City; Badrudin Talusan Dalgan, 41, ng Block 124 Lot 12 Sitio Imelda St. Brgy Upper Bicutan, Taguig City; Fahad Salik Solaiman, 18,  tricycle driver, ng  Mindanao Avenue, Barangay Maharlika, Taguig City; Noel Emad Kalim , 50,  security guard, ng  Block 124 Lot 12, Sitio Imelda Street, Barangay Upper Bicutan, Taguig City; at  Buhari Komatig Malaguia , 35,  tricycle driver, ng Barangay Maharlika, Taguig City.

Dakong 8:30 pm nitong Sabado, 18 Hunyo, nang mangyari ang buy bust operation sa Block 124 Lot 12 Sitio Imelda St., nakuha ang nasa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.

Samantala, nasa  P530, 400 halaga ng shabu ang nasamsam sa Muntinlupa, Taguig, at Las Piñas, sa magkakasunod na operasyon nitong 17 at 18 Hunyo.

Batay sa ulat ng Muntinlupa-Station Drug Enforcement Unit, arestado si Al Rashid Timbayan, sa Avanceña St., Katarungan Village, Barangay Poblacion Muntinlupa City,  dakong 10:45 pm, nitong Biyernes, nakuhaan ng P374,000 halaga ng shabu.

Sa ulat ng Taguig City Police Station-SDEU, 2:00 am nitong Sabado nang arestohin sa Roldan St., Brgy. Lower Bicutan, Taguig City si Johm Louwel Albacite, 23,  CCTV Installer, nasamsaman ng 19 gramo o  P129,000 halaga ng shabu.

Ayon sa Las Piñas City Police Station, nasakote sa buy bust operation sa Villa Coastal, Brgy, Daniel Fajardo, dakong 3:50 am, nitong 18 Hunyo, si Joseph Nathaniel Grajo, 20 anyos, nakuhaan ng apat gramo ng shabu, may halagang 27,200. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …