Tuesday , April 22 2025

Talpakan pinagsisihan, i am sorry – Duterte

061522 Hataw Frontpage

PINAGSISIHAN ni outgoing President Rodrigo Duterte na pinayagan niya ang operasyon ng online sabong o talpakan kahit may ulat na may mga nawawalang sabungero.

“On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos mag-inspeksiyon sa main campus ng National Academy of Sports sa New Clark City, Capas, Tarlac.

“It was at P600 million a month, billions in a year because there are a lot of operations. I am very sorry it had to happen,” dagdag niya.

Noong Marso at Abril 2022 ay ipinagtanggol nang husto ni Duterte ang talpakan bunsod ng malaking halagang iniaambag umano sa kaban ng bayan na ginagamit sa pagtugon ng pamahalaan sa CoVid-19 pandemic.

Ngunit noong Mayo 2022 ay tinuldukan niya ang operasyon ng talpakan batay sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil ito’y taliwas sa Filipino values at nakasisira ng pamilya.

Naging kontrobersiyal ang e-sabong sanhi ng pagkawala ng mahigit 30 sabungero at kahit inimbestigahan ito ng Senado, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tinutukoy ng mga awtoridad ang nasa likod ng pagdukot sa kanila. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …