Tuesday , May 6 2025

Palasyo nagalak
45 BI PERSONNEL SIBAK SA PASTILLAS SCAM

061422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NAGALAK ang Palasyo sa utos ng Office of the Ombudsman na sibakin sa serbisyo ang 45 opisyal at ahente ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas scam.”

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar, ang desisyon ng Ombudsman ay patunay na walang sacred cow sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra korupsiyon.

“We welcome this decision as it shows the current government’s zero tolerance policy against corruption in the bureaucracy,” ani Andanar sa kalatas.

Aminado si Andanar, malaking hamon pa rin ang pagsugpo sa katiwalian sa pamahalaan kaya’t isinusulong ang automation of government systems upang maiwasan ang face-to-face contact at maialis ang paulit-ulit na mga proseso para maipagkaloob ang episyenteng serbisyo ng gobyerno.

“We are, therefore, pushing for automation of government systems to avoid face-to-face contact at the same time eliminate redundant processes, for effective and efficient delivery of government services,” ani Andanar.

Kabilang sa mga tinanggal sa BI ay sina Grifton Medina, Erwin Ortañez, Glennford Comia, Benlado Guevarra, Danieve Binsol, Deon Carlo Albao, Arlan Edward Mendoza, Anthony Lopez, Cecille Jonathan Orozco, Francis Dennis Robles, Bradford Allen So, Vincent Bryan Allas, Rodolfo Magbuhos, ER German Robin, Gabriel Ernest Estacio, Ralph Ryan Garcia, Phol Villanueva, Abdul Fahad Calaca, Danilo Deudor, Mark Macababbad, Aurelio Lucero III, George Bituin, Salahudin Hadjinoor, Cherrypie Ricolcol, Chevy Chase Naniong, Carl Jordan Perez, Abdulhafez Hadjibasher, Jeffrey Dale Ignacio, Clint John Simene, Asliyah Maruhom, Maria Victoria Jogno, Paul Erik Borja, Hamza Pacasum, Manuel Sarmiento III, Fidel Mendoza, Dimple Mahyumi Mallari, Gerrymyle Franco, John Michael Angeles, Francis Meeka Flores, Sadruddin Usudan, John Kessler Cortez, Mohammad Sahary Lomondot, Jon Derrick Go, Aira Inoue, at Rovan Rey Manlapas.

Matatandaang inimbestigahan ng Senado ang pastillas scam bunsod ng isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros sa isang privilege speech hinggil sa naturang modus operandi ng ilang BI personnel na nagpapahintulot makapasok sa bansa ang Chinese nationals na hindi sumasailalim sa background check kapalit ng pera.

About Rose Novenario

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …