MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPA-INIT sa panahon ng tag-ulan ang si Kim Rodriguez nang mag-post ito sa kanyang social media account ng sexy photos na kuha nang magbakasyon kamakailan sa Boracay.
Nabulabog nga ang mga kalakakihan at nag-init ang paligid sa kaseksihan ni Kim sa suot na very revealing two-piece.
ilan sa mga komentong natanggap ng litrato ni Kim ang:!”You sexy and i like it,” “Perfect Body,” “Sexy and Pretty,” “I Like Your Body,” “Super dupper sexy beautiful gorgeous naman si lody,” “Sizzling Hot!” atbp..
At sa sunod-sunod.na pagpo-post ni Kim ng sexy pictures ay marami ang nagsasabing swak na swak itong gumawa ng sexy films sa Vivamax lalo na’t sobrang amo ng mukha at maganda ang hubog ng katawa, at higit sa lahat ay marunong umarte.
Pero ayon kay Kim willing siyang magpaka-daring sa pelikula kapag maganda ang script at mahusay ang director at mga artistang makakasama.