Friday , November 22 2024

Sa kapirasong bakal,
IBC-13 ‘BUKOL’ SA ‘P4.3-M’ DEMOLITION NG TOWER

060922 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

MAAARING mawala ang P22 milyon sa state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC) dahil sa minadaling demolisyon ng transmitter tower sa San Francisco del Monte, Quezon City bunsod ng nahulog na kapirasong bakal.

Ayon sa isinagawang Contract Review ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) hindi dumaan sa tamang proseso ang Service Agreement for the Demolition of Intercontinental Broadcasting Corporation’s Transmitter Tower sa pagitan ng IBC-13 at Althea Construction.

Nakasaad sa naturang dokumento, may petsang 22 Marso 2022, hindi isinailalim sa auction ang public bidding para sa demolisyon ng transmitter tower na nagkakahalaga ng P4.3 milyon.

Napag-alaman sa source, noong 2017 ay nagkaroon ng bidding para sa nasabing proyekto at ang isang bidder ay nagsumite ng bid na P26 milyon ngunit sa hindi nabatid na dahilan ay hindi ito natuloy.

“Kaya nagtaka kami kung bakit naging P4.3 milyon na lang ngayon ang demolition project e dating may nag-bid na P26 milyon noong 2017,” sabi ng source.

Ang titanium, aniya, na nasa tuktok ng 750 ft transmitter tower ay nagkakahalaga ng milyon-milyong piso hindi pa kasama ang bakal na bumubuo rito kaya lalabas na lugi ang IBC-13 kung P4.3 milyon lang ang mapupunta sa korporasyon.

“We deny giving due course to the draft Contract considering that the IBC resorted to an improper procedure in the demolition of this tower, this notwithstanding the claim of its emergency nature, which does not satisfy the requirements under Section 53.2 of the 2016 Implementing Rules and Regulations (RIRR) and item V (D) (2a) of Annex H of the same IRR on negotiated procurement (Emergency cases),” saad sa contract review ng OGCC.

Ang insidenteng nahulog umano ang isang ‘pirasong bakal’ na may sukat na 3” x 6” mula sa transmitter tower sa ibabaw ng isang truck ang ginamit na rason ng IBC-13 upang ituloy ang pagpapagiba nito sa Althea kahit wala itong sapat na kapabilidad.

Inamin ni acting Presidential Spokesman at Communications Secretary Martin Andanar, walang technical capability ang Althea na i-demolish ang IBC-13 transmitter tower.

               “Kinausap ko si CEOP at President ng IBC na si Hex Alvarez, at ayon kay Hex Alvarez, walang technical capability ang Althea na mag-dismantle ng nasabing tower. Ang nangyari ay isang emergency. Condemned structure ito at approximately 3×6 rusted steel plate ang nalaglag mula sa tower. Nai-declare po itong dangerous at ruinous ng Building Inspection Division.  Threat po ito sa public safety. Ganoon po ang nangyari. At iyan ang ini-report sa atin ni Hex Alvarez, ang CEO at President ng IBC,” pahayag ni Andanar sa Palace press briefing kamakalawa.

Nabatid na inilarga ang demolition project kahit walang inilabas na resolution ang disposal committee ng IBC para isakatuparan ito.

Upang mailarga umano ang proyekto ay kinuha ng Althea ang serbisyo ng Blue Pacific Construction.

Habang ang Blue Pacific naman ay kinuhang sub-contractor ang kompanyang Scrappa.

Napag-alaman na isang Roy Gonzales, sinabing sales manager ng IBC-13, at ‘tao’ ni Alvarez ang nangangasiwa sa dismantling ng tower.

“Hindi rin namin alam kung totoo na may koneksiyon ang isang mataas na opisyal ng IBC-13 sa Althea,” naiiling na wika ng source.

About Rose Novenario

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …