NAKAKOLEKTA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 224.70 kgs recyclable materials mula sa Barangay 136 Balut, Tondo, Maynila.
Sa ilalim ng Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) program ng Metro Manila Flood Management Project, layunin nitong makapagbawas ng mga basurang maaaring makabara sa mga drainage at estero.
Ayon sa MMDA, maaaring mapakinabangan ng mga kababayan ang mga naitabi o naipon nilang recyclable materials tulad ng papel, diyaryo, lumang magazine, kapalit ng grocery items mula sa ahensiya.
Layunin ng proyektong mabawasan ang pagbaha dulot ng mga baradong daluyan ng tubig sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ukol sa solid waste management sa mga komunidad. (GINA GARCIA)