MATABIL
ni John Fontanilla
PANG-INTERNATIONAL ang dating ng period movie na Ang Bangkay na pinagbidahan at idinirehe ni Vince Tanada.
Base sa napanood namin sa katatapos nitong premiere night na ginanap sa Shangri-La Plaza Cinema, napakahusay ng pagkakagawa ng pelikula.
Bukod sa maganda ang kabuuan ng pelikula ay mahuhusay at nabigyan ng lahat ng artistang kasama ng justice ang kani-kanilang role.
Malaki nga ang tsansa nitong makasungkit ng acting at technical award sa iba’t ibang awardgiving bodies ‘di lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Hindi rin nagpakabog at napakatapang na nag-frontal ng ilang beses si Vince na kinakailangan naman sa eksena at napaka-artistic ang pagkakakuha.
Bukod kay Vince, kasama rin sa Bangkay sina Mercedes Cabral, Vean Olmedo, John Rey Rivas, Lili Montelibano, Juan Calma, at Sarah Javier.