Sunday , December 22 2024
Leni Robredo Logo Kiko Pangilinan

 Sa bagong campaign logo
BAGONG ROBREDO CAMPAIGN LOGO, MALAKING WELCOME SA LAHAT NG KULAY

“KAHIT ano pa ang kulay mo, kung ikaw ay para sa pag-usad ng ating bansa sa ilalim ng isang gobyernong tapat, welcome ka!”

Ito ang sinabi ni Erin Tañada, senatorial campaign manager ng VP Leni Robredo – Sen.Kiko Pangilinan tandem, matapos ang paglulunsad ng bagong campaign logo na nagdedeklarang hindi na lamang iisa ang kulay nila kundi isa nang rainbow coalition na nagbubuklod sa mga mamamayan ano man ang antas sa buhay.

“Ang mensahe po ng Robredo-Pangilinan campaign team ay simple lamang: lahat ng kulay ay welcome na sa amin. We are all united for love of country and in the belief of a better future under Robredo presidency,” ani Tañada.

Kaya naman aniya, inilabas na ng Robredo campaign team ang isang “multicolored flower” na logo bilang simbolo ng pagkakaisa kahit may pagkakaiba sa ilalim, ng isang tunay na people’s campaign.

Dahil ayon kay Tañada, ito na ang realidad ng walang tigil na paglipat ng mga tao mula sa kampo ng ibang presidentiables patungo sa kampo ni Robredo.

“The big switch to our favor has been going on. At marami pa kaming inaasahang pagsasanib puwersa sa mga susunod na araw bago ang Mayo 9,” dagdag ni Tañada.

Iniuugnay niya ang mga paglipat na ito sa mahusay na “groundwork” ng “happy volunteers” at ang mas maayos na plataporma ni Robredo.

“Kasama na rin diyan ang big crowds. ‘Yung positive vibe is infectious. Kaya pagkatapos ng rally, uuwi sa kanilang pamilya at lugar na may hatid na kuwento ng pag-asa. And this is when conversion begins,” paliwanag ni Tañada.

Isa pang dahilan ay dahil mas nararamdaman ng mga tagasuporta ng ibang kandidato na mas welcome sila sa mga grupong sumusuporta sa Leni-Kiko tandem.

Kasama aniya rito ang pagsama ng mga celebrity sa house-to-house campaign, pati sa mga rally at mga caravan, na buong-buo ang suporta kay Robredo.

“All the stars have come down to VP Leni’s side. But that is just one sector, although visible. Doctors, lawyers, schools, businessmen, laity – the country’s biggest – have also endorsed the Vice President and Senator Kiko,” dagdag ni Tañada. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …