“HABANG pinipigilan, mas lalong nagpupursigi, mas lalong tumitibay ang paninindigang dumalo ang supporters ni VP Leni Robredo sa political rallies,” ayon kay Congressman Teddy Baguilat.
Aniya, kahit mas maraming ‘dirty tricks’ ang ginagamit ng kalaban upang pigilan ang mamamayan na dumalo sa rally nina Robredo at Kiko Pangilinan, mas marami pang dumarating.
“Harassing our supporters only stoke up their passion even more,” ayon kay Baguilat na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem. “The people know when ‘dirty tactics’ are employed.”
Tinutugunan ni Baguilat ang ulat na hinuli ang ilang public buses at dyip na may sakay na Robredo supporters patungo sa Dagupan City grand rally nitong Biyernes, sa kasong paglabag sa batas trapiko.
“Threatening to impound their ride is a dirty tactic,” anang dating congressman. “Instead of being disheartened, the opposite is achieved,” aniya.
Walang kahit anong harang, aniya, ang maaaring humadlang sa lumalawak na ‘pink wave’ ng mamamayan na nagtutungo sa rally nina Leni at Kiko.
“‘Pag tinanggalan mo sila ng bus na sasakyan, maglalakad sila. ‘Pag hinarangan mo sila sa daan, magbabangka sila. You cannot prevent them from seeing a candidate they love,” ayon kay Baguilat.
“Si VP Leni nga, umangkas sa motor para makarating sa rally niya sa Cavite,” aniya. “This leadership trait of showing up no matter what has also inspired her supporters,” dagdag ng kongresista.
Agad kumalat sa social media ang mga insidente ng panggigipit sa mga supporter nina Robredo at Pangilinan kaya nagsilbing advertisement ito sa mamamayan.
Kahit mismo si Robredo ay nagulat sa napaulat na insidente saka sinabing kahit ginigipit ang kanyang supporters, “napapatutunayan na determinado silang manalo kami.”
“Hindi ito first time na nangyari. Hindi first time na nangyari na naha-harass ‘yung ating supporters. Hindi rin first time nangyari na pinapahirapan lalo na ‘pag may rallies tayo,” ayon kay Robredo.
Aniya, kahit pigilan ang mamamayan na dumalo, ang mga katulad na insidente sa nakaraan ang magpapatibay sa kanila upang lantarang ilantad ang kanilang suporta.
“‘Yung nakita natin kasi sa ibang mga lugar, noong ginawa ito lalong nanggigil ‘yung mga supporters. Lalong naging desidido na ipakita ‘yung kanilang suporta,” giit ni Robredo. (JAJA GARCIA)