Monday , December 23 2024
Bongbong Marcos

Marcos kapag hindi pa nagbayad
‘SINUBANG’ P203-BILYONG ESTATE TAX INHUSTISYA SA MAHIHIRAP

ANG hindi pagbabayad ng mga pananagutan sa buwis ng pamilya ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr., kahit ang mga ordinaryong Filipino ay obligadong sumunod sa batas, “ay sumasalamin sa isang malaking pagkakahati at kawalan ng hustisya.”

“Ang karaniwang Filipino, kapag malinaw sa kanila na may dapat ibigay sa pamahalaan, kusang loob nilang ginagawa,” sabi ng abogadong si Alex Lacson.

“Hindi ba’t inhustisya kapag may mayayamang pamilya na hindi tumatalima sa batas?” ani Lacson na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem.

Sinabi ni Lacson, pinili ng pamilya Marcos na balewalain ang kahilingan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bayaran ang kanilang tax liabilities habang ang publiko ay tumatanggap ng napakaliit na halaga bilang abuloy tuwing may krisis.

“Ang karaniwang tao, ayuda o abuloy lang ang natatanggap. Tulad ng P500 ayuda ng Duterte administration para sa mahihirap dahil sa pagtaas ng oil prices, kakasya ba ‘yun?” aniya.

Nitong buwan lamang, kinompirma ng BIR na nagpadala sila ng liham noong Disyembre 2021 na humihiling sa pamilya Marcos na bayaran ang kanilang estate tax liabilities na nagkakahalaga ng P203 bilyon.

Sinabi ni Lacson, ang pinakamahihirap sa mahihirap ay obligadong magbayad ng buwis sa pamamagitan ng VAT at E-VAT “sa gitna ng kanilang lumalalang kondisyon dahil sa pandemya at pagtaas ng presyo ng langis.”

“‘Yung mga kapos sa buhay, nagbabayad sila ng buwis kahit nahihirapan sila,” aniya.

“Nakita naman natin sa mga interview, mukhang hindi naman naghihikahos ang mga Marcos. Bakit ang hirap para sa kanila na magbayad ng buwis na dekada nang sinisingil sa kanila?” ani Lacson.

Nagbabala si dating BIR Commissioner Kim Henares laban sa pagbabalewala ni Ferdinand Marcos, Jr., sa batas, lalo kung siya ang susunod na pangulo.

Sinabi ni Sonny Africa ng Ibon Foundation, nabigo ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magamit nang maayos ang sistema ng pagbubuwis ng bansa.

“Naging kalakaran ng Duterte administration na gamitin ang sistema ng pagbubuwis sa mga kalaban at gamit na tulong sa mga alyado,” ani Africa.

Binigyan diin ni Africa, ang P500 tulong para sa pinakamahihirap na 50% pamilya ay malayo pa rin sa kailangan ng mga ordinaryong Filipino at mas mababa sa kung ano ang kayang ibigay ng gobyerno.

“P500 barely makes up for inflation in the past year and won’t do anything for price increases to come,” aniya. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …