Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Beautederm Rhea Tan

Bea ‘di na ganda ang iniisip — You always want to be healthy & fit

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG humarap sa entertainment media ang Kapuso actress na si Bea Alonzo  last March 25 (Biyernes)  para sa contract signing at press conference nito bilang opisyal na ambassador ng Beautederm na ieendoso ang REIKO Fitox & Beautéderm Slimaxine.

Masayang ibinahagi ni Bea ang labis-labis na kasiyahan na mapabilang sa pamilya ng Beautederm at sobra-sobrang pasasalamat sa mabait na CEO & President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa tiwalang ibinigay sa kanya para maging ambassador nito.

Ayon nga kay Bea, “Beautéderm is very special to me kasi noong panahon ng pandemya, ito ‘yung unang-una kong endorsement aside sa mga existing.

“ Sila (Beautederm) ‘yung unang nagtiwala sa akin na kuhanin ako bilang endorser sa kabila ng all the uncertainties na pine-face natin simula noong lockdown and everything, so  i’m very thankful.”

Dagdag pa nito, “When you are in your 30s, parang hindi na lang ‘yung ganda sa labas ‘yung iniisip mo, you always want to be healthy and fit kasi alam mo ‘yun ‘yung investment mo.

“And in the future, ten or twenty years from now, ayaw mong magkasakit and I know that these products are going to help me to invest in my future. Alam ko this is going to help my health.”

Habang ibinahagi  naman ni Ms Rhea ang dahilan kung bakit nito kinuhang ambassador si Bea. “‘Yung mga kinukuha ko ‘yung endorsers ko talaga ay ‘yung mga napapanood ko, mga idol ko, kasama siyempre si Basha (Bea), dapat sa Beautéderm may Bea Alonzo, kaya kasama na siya ngayon sa ambassadors natin.”

At dahil nasa Beautederm na si Basha, tinanong din si Ms Rhea kung balak din ba nitong kunin si Popoy (John Loyd Cruz) para magkasama na si Basha at Popoy na sinagot ni Ms Rhea ng, “Secret, sa summer malalaman po natin or after elections.“

Pero malakas ang kutob ng mga invited press na baka si John Loyd na ang susunod na ilo-launch ng Beautederm bilang latest ambassador nito, at ‘yan ang ating aabangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …