UMABOT sa kabuuang 832,839 katao ang bilang ng mga fully vaccinated o 94% ng populasyon sa lungsod, ito ang inihayag ng pamahalaang lungsod ng Taguig.
Dahil sa ginawang pagsisikap ng health workers ng Taguig para iligtas ang buhay ng mamamayan nito laban sa banta ng CoVid-19 variant.
Tiniyak ng local government unit (LGU) na mananatiling agresibo ang health workers sa pagsubaybay sa sakit at pagsusumikap sa pagbabakuna sa kabila ng pagbaba ng mga kaso ng CoVid-19 sa lungsod.
Ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang isa sa may pinakamataas na accomplishment rate sa local government units noong Bayanihan Bakunahan IV National Vaccination Day na ginanap noong 10-18 Marso 2022.
Kahapon, tumanggap ng parangal ang Taguig local government unit (LGU) na kumakatawan kay Taguig City Health Office head Dra. Norena Osano, mula sa DILG na ginanap sa SM Mall of Asia, dahil sa malaking ambag nito sa national vaccination program ng gobyerno. (GINA GARCIA)