Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maureen Mauricio

Maureen Mauricio, wish maging tuloy-tuloy ang pagiging active sa showbiz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SPEAKING of Biyak, ito ang first movie ng veteran actress na si Maureen Mauricio mula nang nagkaroon ng pandemic, two years ago.

Ayon sa aktres, mula raw nang nagka-pandemic ay halos hindi na siya lumabas ng bahay dahil sa sobrang takot sa covid. Although may mga offer na proyekto, hindi raw niya ito matanggap dahil takot siyang lumabas ng bahay.

Esplika ni Ms. Maureen, “Kaya sabi ko, after ng pandemic or kapag humupa na ito, promise na mag-work na ulit ako. Kaya nang i-offer sa akin ang role bilang nanay ng dalawang bidang female actress dito sa pelikulang Biyak, tinanggap ko na, lalo pa po at under kay direk Joel Lamangan ang movie.”

Ang Biyak ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, tampok sa pelikula sina Angelica Cervantes, Albie Casiño, Quinn Carrillo, at Vance Larena. Bahagi rin dito sina Jim Pebanco at Melissa Mendez.

Gumaganap si Maureen sa pelikulang ito bilang si Tess, isang dating hospitality girl na nagkaroon ng dalawang anak na babae mula sa magkaibang tatay. Ngunit dahil sa kahirapan, ipinamigay niya ang kanyang bunsong anak sa ampunan. Nang nabiyuda at tumanda na siya, ang tanging nais niya lang ay makitang muli ang kanyang bunsong anak.

Ibinahagi rin ni Ms. Maureen na wish niyang maging tuloy-tuloy na this time ang pagiging active ulit sa showbiz at magkaroon din ng teleserye.

 Aniya, “Ang last movie na nagawa ko, indie film. Early January 2020 iyon, under direk Will Fredo, ito yung Siil ni Teresa Loyzaga. Then nakapag-MMK pa ako. Pero yun na nga, March 2020 ay ayan na ang pandemic, kaya nag-stop ulit akong mag-work.”

Wika pa ni Ms. Maureen, “Yes wish ko na makabalik ako sa industriya nang tuloy-tuloy na, sa pelikula at teleserye, na love na love ko talaga.”

Ano’ng impression niya sa apat na bida sa Biyak? “Feeling ko ay magagaling silang aktor at propesyonal. Siyempre kapag sinabing ang direktor ay Joel Lamangan, sigurado na magagaling, hahaha!” Nakatawang saad pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …