Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Beautederm Ang Probinsyano

Beautederm CEO Rhea Tan kinilig kay Coco Martin

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

TUWANG-TUWA ang Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagpa-picture kasama si Coco Martin at ang iba pang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. 

Bumisita si Ms. Rhea kasama ang Beautederm ambassador na si Carlo Aquino sa set ng taping ng Ang Probinsyano sa Vigan, Ilocos Sur.

Ipinost pa ni Ms. Rhea sa Facebook ang group picture nila kasama si Coco at co-actors nito sa Kapamilya action-serye na sina Michael de Mesa, Raymart Santiago, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Jay Gonzaga, at siyempre si Julia Montes.

Ayon pa sa caption ng FB post ni Ms. Rhea, “Ayih!! The Bigueña meets the Probinsyano”

Inamin naman ni Ms. Rhea sa chat namin sa Messenger na kinilig siya kay Coco. “Kasi ang bait niya at very humble kahit sikat na sikat siya. I’m so happy to meet him and the cast of ‘Ang Probinsyano.’ At dito pa sa hometown ko sa Vigan,” sabi pa sa amin ni Ms. Rhea.

Kasama rin sa cast ng Ang Probinsyano ang isa pa sa ipinagmamalaking ambassador ng Beautederm na si Lorna Tolentino.

Nasa Vigan si Ms. Rhea kasama si Carlo at ang comedian hosts na sina Boobay at Pepita Curtis para sa Beaute On Wheels ng Beautederm na ginanap noong March 15.

Nagkaroon din ng meet and greet si Carlo noong March 16 sa Mega Saver Vigan big opening in cooperation with Beautederm.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …