MATABIL
ni John Fontanilla
HABANG naghihintay ng kanyang bagong show, abala muna si Kim Rodriguez sa kanyang mga negosyo at sa bago niyang kinahihiligang gawin, ang pagmomotor.
Ayon kay Kim, “For now po focus muna ako sa pagmo-motor ko habang wala pa akong regular show.
“Nagbabalak kasi ako sumaling mag-race this year, kaya need ko mag-train at mag- motor lagi bilang paghahanda.”
At kahit delikado ang nasabing sports ay nakahiligan ito ni Kim at sobrang nag-eenjoy siya.
Sa ngayon, ‘di naman nasi-zero si Kim at may mga guesting pa rin siya at outside shows like fiesta at campaign, bukod pa sa pelikulang nakatakda niyang gawin ngayong taon.
“Kahi’t paano naman may mga raket pa rin ako. May mga guesting pa rin naman po ako sa GMA. May movie rin akong gagawin this year,’ ‘di ko lang alam kung kailan siya mag-start under Octoarts Film. Pero nagpirmahan na kami ng contract.
“And may mga bago po akong endorsements at ang latest po ay ‘yung helmet. Kaya thankful pa rin ako and blessed,” pagtatapos ni Kim.